Tuesday, August 18, 2009

Tsup!!

Hi noobs! been thinking.. for like how long is it already? 1 year and 4 months? tagal nadin ^^ and still moving! ung tagal na yan napakasaya ko talaga. compare nung mga dati pa. ung mga wa entang panahon ko pa ^^
did'nt even think na xa pala hehe so happy when we've met after for how many months..

Nanood kami nun ng cine sa sm liek 2 movies? benjamin button and... bed time stories. birthday ko nun eh. after namin manood nung sumama sya sa party..
hehe saya ko nun... sweett nya eh xD chaka mabait kahit makulit. hehe.. meron pang time tumawid daw.. tumawid daw sa kabilang kalsadaaaa nag tataka ako bat ako tatawid at anong kalsada un?
kaya naman pala hinde ako tumatawid dahil my underpass.. diba? dko xa makita nun eh andaming tao kasi xD chaka sa right side daww sa my punoo un pala asa harap ko. tsk tsk tsk medyo na lito ako nun eh nag libot ng park n ride xD

BTW her name is Syleene or u can call her See. Joke lang! Call her Sai. not see xD love na love ko nanong yan eh love ko yannn uberrr kahit lagi kami nag aaway nyan nag babati din kami khit xa lang nang aawayyyy joke lang ^^
Minsan lang kami mag kita kasi malayo kami sa isat isa. buti nalang my cellphone! tinatawagan ko lagi baby ko pag gabi. kalaro ko xa sa game dati pero tumigil na kami mag laro. nakakasawa na eh..
Minsan pag nag aaway kami nyan i mean pag inaaway ako nyan ganto lang yan para malaman mo, pag tinawag mo xa. ssabhin nya hhmm. tpos pag tnanong mo xa. hmm.. tapos buntong hininga... sighhh...sighh.. hehe tignan nyo mamaya ganyan na manyayari sakin pag nabasa nya na to. xD

Thankful ako at naging kami noh sumaya ako chaka my nag aalaga na sakin~~~ :*:*:* pero baby ko yan kaya ako nag aalaga sa kanya, kaso makulit talaga uberr pero andito naman ako kaya ok lang hehe I'm here at the office right now making this novel for my baby xD tapos na pinapagawa sakin eh. soundtrip nalang ako hehe.

Anyway Love na love ko yan si Syleene kasi napakabait sakin nyan at kilala nya ako at knilala nya talaga :) I am who i am and she still likes it~ xD I love you baby... Miss na kita huhu Akin ka lang ha? Daisukiii *:*::* tsupppp

Saturday, August 08, 2009

Baby ko!!!

Hi noobs... been awhile.. recently i miss my baby so much.. dunno why.. havent seen her for weeks.. we just talk on the phone every weekend. i hope on the 15th of this month I will be able to see her ^^ miss you wuv.. love ko yan eh kahit lagi ako away ^^

Last night we talk like for.. 11pm-3am? dunno nakatulog kami eh xD well every friday and saturday night lang namin nagagawa mag usap ng ganun kasi xmpre my pasok kami eh. tagal na kami talaga hinde nag kikita eh :( sana matuloy sa friday.. hay... sasamahan pati nya ako pag bili ng pizza para sa bahay.. hehe... bibili din kami pizza for us~ hehe watch kami movie eh.. ^^ recently she's hording my farm in country story... hay.. ganun tlaga pag my quality ang pananim mo pag kakaguluhan ka hehe.. buti pa ako dinidiligan ko lang plants nya dko knukuha. xmpre love ko wuvvy koo pati sa resto city gagawin ko lahat makita ko lng ingredients na need nyaaa ^^ hehe... dina kami nakakapag wow kasi walang kwenta private server eh.. pag nag laro naman kami sa UGN pde na kami mag sulat ng ibang version ng Adam and Eve... kami lang andun eh xD hanap ako games na lalaruin namin. my nakta naman ako sana magustuhan nya. wonderking. hehe... wuvvy ko dito na muna ha? daisukiiiiiii :*:*:* i love you so much :* see you next weekkkkk :D

Life...

Hi guys.... recently i'm becoming more busy due to work.. I'm getting bored out there.. I mean come on! I'm a fcking web developer not some Mapbasic scripter or something.. anyway... one of our nation's hero died to to some cancer, kinda surprising but hey.. that's life.. This for you cory... L! ^^

anyway.. it's getting near.... i'm getting excited ^^ wuvvy! see you on saturday :* I misss you so much!

Today's my the day for may cousin jb. happy birthday, Jokla! ^^ Tita is now cooking for the party. Hinde ako iinom kakain lang ako... ng kakain... XD hay mag ssunday nanaman! monday na ulit ambilis.. nabbored nako sa online gaming ngayon.. dunno why.. sa ragna walang kausap... sa iba walan din kausap at hinde ko trip.. want ko ung active lagi ung game.. ung masaya... damn.. if only i got WoW official... too expensive..... I wanna play Runes of Magic but MY RIG SUCKS! and some offline game, still MY RIG SUCKS! so i'm saving money for my future rig... I'm still waiting for the open beta of Wonderking here in the philippines though.. kinda cool... playing an online game that's like mario xD with pvp... lol.... so ayun.. wala pa naman masyado balita sakin.. kundi love na love ko wuvvy ko~~~ dedicated nga pala for her ang pag post ko. wala eh ganun talaga pag sikat kana... anyway.. bye noobs..

Saturday, August 01, 2009

Weekend!

Hi noobs! been a while eh? Just woke up last 3 hours... I'm so sorry baby... :( masakit mata ko at nahihilo pag bangon ko para tulungan ka... my work is fine, ok naman madami ako natututunan at nahahasa lalo logic ko. using mapbasic for 1 week and it sucks! kulang kulang tlga sa functions, ang ok eh madami ako natutunan. this monday gonna start learning linux, openlayers and coldfusion.

damn.. i miss my baby.. haven't seen here for like how many weeks... i hope next week will push thru.. i miss her so much... I love you wuvvy~! :D

kahapon ok naman ung office medyo kaantok nga lang dahil wala na ako ginagawa natapos ko na project eh. so yun relax relax lang hehe. recently naiisip ko lagi bat kaya nag wwelga mga tao? I mean come on! whoever noobs sitted on the throne they're still like being restless not satisfied on what's happening to our place. instead of working they're shouting out loud asking for the noob to get out of the throne. kaya ayaw ko sa mga taong yan dahil nakaka perwisyo sila sa mga hinde nangangating tao. mahirap ang buhay ngayon kaya nag sisikap ang mga tao dapat hinde umaasa sa iba, wala din kasing satisfaction mga tao kahit my konting naachieve or nakaganda sa pamumuhay nla nag rereklamo padin sila, kaya nag wawala sila sa harap ng batasan, kahit nag karoon na sila ng cellphone gusto padin nila magka bagong unit, parang ganun yun eh. nung lunes makikita mo nag wawala sila sa batasan parang trip lang kasi nasisiyahan sila at madaming tao na kala mo my summerslam at nakikitang wala nang kwenta pnag gagawa nila hinde na patriotic mxado. makikita mo mga taong nag rrally may naka itim mga mukang tangang emo o mga hiphop puge puge na my dalang bandila ng samahan nila na walang kwenta at mensahe na nakalagay sa signage(thanks dad sa word na yan xD) nila. ano nga ba trabaho nila? wala tambay ang iba hinde nag tapos ng pag aaral dahil mas ginusto mag bisyo o maging goons at sumali sa mga frat na naging gang na dahil mahilig sa trouble na hinde naman nila kaya gawin pag mag isa sila kaya sila sumasama sa mga jologs na frat na puno ng mga duwag na tao na naging salot sa bansa natin.

Ewan ko ha masama na kung masama alam ko nag hihirap mga tao ngayon pero ano ba manyayari sa kanila kung mag wawala sila? yayaman ba sila bigla? chaka sige silang sabi kurakot daw pero totoo kurakot nga tlga mga walang pakundangang hayop na dapat pinuputulan ng kamay na mga politoko natin pero tayo hinde ba? ^^

Baby ko malapit na mag next week! ^^ mis na kita daiisukiiii! sorry kanina kung hinde kita natulungan :( kung may need kapa ngayon sabihin mo lang hahanapin ko agad para sa hw mo... paxenxa na talaga :( basta love na love kita~ at akin ka langggg~

I'm getting excited at my 1st salary this coming 15th of august. at mag kaka ATM na ako! xD ngayon lang ako mag kaka ATM kasi dati sa tita ko lng pnapadala ung pera para sakin. anyway madami pa akong ppost pero sa ngayon ito na muna. bye noobs ^^

Monday, July 20, 2009

First day @ work! the Back to the Future Adventure

Hi noobs! kakauwi ko lang galing trabaho, oo trabaho, at tama pagkabasa mo may trabaho na ako, sa wakas. anyway. nagising ako 4am. bumangon ako ng 4:30 para maligo. tapos nag bihis at kumain. sabay kami umalis nila JB at Pauleng bading, sumasabay si pauleng kasi dipa nya masyado kabisado ang daan kaya yun. buti my dalang sasakyan si JB at nakiangkas kami ni paul at nung boyfriend nya na ayaw nyang iwan. xD

Ok naman ang byahe hanggang philcoa. dun kami bumaba ni pauleng at ng boyfriend nya, nag antay kami ng bus, halos 20 minutes ata kami nag aabang ng bus dahil puno na lahat. at dahil malalate na ang sila pauleng sumakay na kami sa isang punong bus, Ako ok lang kasi malapit lang talaga ako sila ewan ko GG nalang sa kanila xD.

Nakababa ako sa bus agad.. amp! 7am palang! 8am pa dadating ang HR na mag bbriefing samin at patay pa mga aircon! ang init! after 1 hour dumating na siya at pinapirma ang contract ko. inantay pa namin si Don na kasama ko din na bagong pasok lang din para sabay na kami itour sa office, my handbook pa pala mga employee dun hehe.. at doon ko natuklasan my 30 minute break pala sa office maliban sa lunch break! ang astig pa eh 3-3:30 ang sa amin so malapit lang 5pm na diba? so ayun pupunta na kami sa pwesto namin. dalawang pc na malinis ang nasa harap namin. ayun nakabukas na. edi un browse browse... aba bat naka classic ang theme? mabagal ba to? at aking pinindot ang start button. Boom! bigla akong nateleport! Back to the future! windows 98! yun ang aking nakita at ayun IE5, Open Office 1. natawa nalang ako, isang oras akong nakangiti at natuwa at nagulat na may ganto papala... at nung inayos ng tech ang network namin aking nrestart ito.. Boom! back to the future nanaman! Windows 95 pala!?!?! Abot tenga na ngiti ko. ok lang basta makastart na sa dapat gawin. sa buong buhay ko dun ko lang nakita ang PDF na animated. piece of shit pampabagal lang at hinde ko mabasa ang iba dahil sa animation. Binasa namin ang about sa company at mga products at mga terms na ginagamit for mapinfo, though hinde yun ang gagamitin namin talaga pero sabi ni sir linus ok daw ma familiarize namin un dahil madalas namin gagamitin un for data gathering, Coldfusion kasi kami talaga doon. at yun ok naman madami ako agad natutunan. doon ko nalaman na ang mga map na ginagamit for GIS(Geographic Information Systems) ay madaming layers ang linalaman, example isang layer is minor roads(mga kalsadang maliit) tapos major roads(mga kalsadang madalas daanan ng lahat), Landmarks(mga establishments na pinapakita sa map) at ang mga polygon(regions, municipal, brgy. Area sa map) ayan natuwa ako dahil bawat ito ay complete sa information, at dahil dito ginagamit nila ang mga data na ito para sa mga softwares nila tulad ng www.mapcentral.ph at Globe Tracker, Napag aralan ko din ang Mapbasic, parang visual basic ito pero mapinfo ang ginagamit.. ok naman pero wala padin kwenta. gusto ko na talaga mag Coldfusion. Mga bandang 9am nag ka fire alarm! kaya namin fire drill kaya ang iba parang tulog mag lakad parang kami, yun pala my umuusok talaga sa 11th floor. pag baba namin false alarm. my isang gago palang nag iihaw sa taas at napagkamalang sunog. balik sa opisina at nasermonan ang mga lumang empleyado doon. dapat daw 6 minutes after the alarm asa baba na kami kaso hinde, na highblood pa ata si sir kaya chill~

Kanina my mga nurse na dumating "OJT" ata daw nila dalawa silang babaeng nurse, chincheck ang BP at Temperature namin sa umaga at hapon. ngayong umaga 130/70 ako. bat ganun? nung last med exam ko 120/80 ako. relax lang naman ako.. kinabahan ako...

Lunchbreak, walang baon ang kasama ko kaya sumama kami kela sir bumili ng pagkain at puno pa ang pantry. ako naman ay merong baon, hotdog at pork steak. sarap! at my sarsarap~ Paksiw ang flavor. ok naman busog. pero sabi ng baby ko wag daw lagi mag sarsarap. syempre susundin ko yun! Bumalik kami agad sa opisina pag bili ng pagkain at dun kumain sa pantry. It's our turn.

Dumating ulit ang mga nurse, check BP at temperature ulit, 130/70 padin! bat ganun? kumain na ako ganun padin. normal BP ko ba un? hinde ko alam pero sabi ni doc last time 120/80 daw ako.. kaya yun kinabahan ako lalo...

Natapos ang aking Back to the Future adventure at ako ay nabalik na sa hinaharap. 5pm ako ay lumabas na ng opisina at bumisita sandali sa tita ko na malapit lang ang tindahan sa opisina ko. Aantayin ko sana tumila ang ambon kaso lalong lumala. nakipag kwentuhan lang ako sa tita ko at kinausap din nya ako about sa work ko dun so un.. umuwi na ako nun.. dapat bus sasakyan ko kasi jampack na kaya nag jeep nalang ako. kaso si manong walang kwenta mag maneho kala mo natatae lang eh. tinitilapon kami paharap pag pumreno eh. after ko makababa ng litex sumakay ulit ng jeep papuntang montalban. hinde na umuulan salamat naman at pag kababa ko nag paload ako dahil kelangan ko mamaya, nag lakad nalang ako pauwi dahil matagal mag antay ng jeep. ok naman ang araw ko. kumain ako pag uwi ko at nag bihis at eto knkwento ang aking Back to the Future adventure...

Dito na muna ako... bye noobs...